08-06-18 First Post Para 'to sa dalawang taong hindi malaman kung ano ba talaga ang tunay na nararamdaman sa isa't isa na nagkalabuan ng bigla-bigla. For Girls TULANG WALANG PAMAGAT❤ Mahal, Naaalala mo pa ba yung mga panahong tayo'y masaya pa? Yung bawat ngiti sa kulitan nating dalawa na nakikita sa mapupungay nating mga mata Ito pa ba'y iyong naaalala? Dahil ako, oo kasi miss na kita Miss kita di dahil gusto kitang makita Kundi namimiss ko yung pagtrato mo sakin na para bang isang prinsesa Miss ko na Miss ko na dahil lahat nagbago na Mahal, may tayo nga pero parang wala Ano ba kasi ang dahilan kung bat parati kana lang wala? "Mahal, busy ako" Busy? busy sa iyong ipapalit? Ay mali, mali ako. Dahil meron ng pumalit, meron ng pumalit sa pwesto ko sayo. Pero mali talaga eh. Mahal, maling mali. Kasi kung yan lang naman pala ang dahilan, ano pa nga ba ako? Isang TANGA na naghihintay ng oras at pagmamahal? Naghih