Skip to main content

Tulang Walang Pamagat❤

08-06-18 First Post


Para 'to sa dalawang taong hindi malaman kung ano ba talaga ang tunay na nararamdaman sa isa't isa na nagkalabuan ng bigla-bigla. For Girls






TULANG WALANG PAMAGAT❤

Mahal, Naaalala mo pa ba yung mga panahong tayo'y masaya pa? 
Yung bawat ngiti sa kulitan nating dalawa na nakikita sa mapupungay nating mga mata 
Ito pa ba'y iyong naaalala?
Dahil ako, oo kasi miss na kita
Miss kita di dahil gusto kitang makita 
Kundi namimiss ko yung pagtrato mo sakin na para bang isang prinsesa
Miss ko na
Miss ko na dahil lahat nagbago na
Mahal, may tayo nga pero parang wala
Ano ba kasi ang dahilan kung bat parati kana lang wala?
"Mahal, busy ako" 
Busy? busy sa iyong ipapalit?
Ay mali, mali ako. 
Dahil meron ng pumalit, meron ng pumalit sa pwesto ko sayo. 
Pero mali talaga eh. 
Mahal, maling mali.
Kasi kung yan lang naman pala ang dahilan, ano pa nga ba ako?
Isang TANGA na naghihintay ng oras at pagmamahal? 
Naghihintay sa taong wala namang pakialam sa'king nararamdaman?
Sa sakit na aking dinaramdam?
Ano? Ano ako sa mundo mo?
Mundo mong parang walang ikaw at ako
Mundo mong walang tayo
Tayo na ako lang ang bumubuo
Pagod na ako. 
Pagod na 'ko sa lahat ng sakripisyong dinanas ko
Sakripisyong ginawa ko na para sayo wala lang lahat ng ito
Lahat ng sakit na nararamdaman ko
Na mas lalong sumakit ng nalaman kong habang sinisigaw ko sa buong mundo na ikaw ang taong mahal ko, 
Isinisigaw mo naman sa kaparehong mundo ang pangalan ng taong mahal mo 
Na akala ko ay ako,
Pero yung bagong nagpapatibok ng puso mo
Minsan, naiisip ko na bat di ko magawang isuko?
Isuko ang lahat ng ito kahit na durog na ang puso ko
Durog na durog na sa pinanggagagawa mo?
Pero mahal, alam kong alam mo
Na nasasaktan na ako
Kaya mas pipiliin kong maging masaya ka sa piling nya
Kahit kaakibat nito ay ang pagkadurog ng durog kong puso
Dito ko tatapusin ang tulang ito
Tulang hanggang ngayon, di ko lubos maisip kung ano ang pamagat
Tulang parang isang librong nakapaloob ang ikaw at ako 
                                                   Pero sa mundo mo, walang nabuong tayo.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Wedding Tarpaulin❤

You're a delicate flower. I'll water with love and care - to watch you grow with me to the promise of forever. ❤

Introduction

Sa totoo lang. Hindi ako sigurado kung tungkol saan ito o kung ano ang inyong mababasa sa bawat post ko. Kaya manatiling nakasubaybay sa BLOG na ito. Kung may gusto kayong ipagawa sa akin na mga post(ex: Poems, Jokes, and Stories) pwede niyong sabihin o iparating gamit ang comment box at susubukan kong basahin lahat ng comment niyo.