Verse I:
Bakit 'di mo ba makitang parang ikaw nalang sinta
Ang lumalaban para magtagal pa kayong dalawa
Lahat tinitiis mo kahit na nasasaktan ka na.
Bakit hindi mo ba makitang heto lang ako
Handang gawin lahat basta ikakasaya mo
Hindi katulad niya 'di ka mabigyan ng konting halaga
Ngunit bakit 'di mo parin magawa na iwan siya
Kung ako nalang sana ang nauna
Nauna mong nakilala 'di na sana
Lumuha ng mata mo dahil sa kanya
Lungkot ng kahapon mo sana ay kalimutan na
Refrain:
Dahil 'di ko na kaya na masdan
Na nahihirapan ka, andito naman ako
Chorus:
Pagsinaktan ka niya sakin ka pumupunta
Pag-iniwan ka ako andito lang diba?
Wala kong magawa kahit parang ayaw ko na
Nagtitiis maging pangalawa.
Ang naging takbuhan mo 'pag may problema ka
At patuloy na umaasang baka mapuna
Mo na mahal kita kahit mahal mo ay iba
Kung sana lang ako ang nauna.❤
Comments
Post a Comment